Ang haynayan ay isang napakahalagang larangan — ito ay ang maka-agham na pag-aaral ng buhay ng mga organismo at mga proseso nito (“Haynayan”, n.d.). Tunay ngang nakamamangha ang larangang ito dahil sa taglay nitong lalim at lawak, mula sa pinakamababang bahagi ng buhay — ang sihay — hanggang sa pagtagpi-tagpi ng mga ito upang makabuo ng mas kumplikado at komprehensibongng mga bagay tulad ng mga organismo.
Upang lubos pa nating maintindihan at mapahalagahan ang larangang haynayan, narito ang ilang mga kathang nagpapakita ng lawak ng larangang ito sa loob at labas ng paaralan, magpahanggang sa ating mga sarili.
Mga Sanggunian
Haynayan (n.d.). Retrieved from tagaloglang.com/haynayan
