Sa bawat sangay ng pag-aaral sa haynayan, ito ay pinagkakaisa ng mga piling mga tema na tinatawag na unifying themes sa Ingles. Itong mga pagdulog sa pag-aaral ng haynayan ay maihahalintulad din sa pag-aaral ng katangian ng wika bilang isang disiplina.
Emergent Properties

Larawan mula sa https://www.haikudeck.com/levels-uncategorized-presentation-E0kDk91YBk
Sa Haynayan: Ang pag-aaral ng haynayan ay may herarkiya mula sa mga organelle, sihay, hanggang sa biosphere. Sa bawat antas nito ay may bagong katangiang napag-aaralan (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang wika rin ay may masistemang balangkas mula sa mga ponema hanggang mabuo ang semantiks. Ang bawat antas ay may kanya-kanyang pag-aaral, mula sa ponolohiya para sa mga ponema hanggang sa semantika para sa semantiks.
Cell
Larawan mula sa https://biotechnology.euroscicon.com/
Sa Haynayan: Ang sihay o cell ay siyang pinakapayak na yunit ng buhay (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang mga sinasalitang tunog naman o ang mga ponema ang siyang simula at bumubuo ng wika.
Heritable Information

Larawan mula sa http://www.iq.usp.br/setubal/bmc/2017/anotacao2017.pdf
Sa Haynayan: Ang bawat henerasyon ng organismo ay nagmamana ng datos ukol sa kanilang magiging mga katangian sa pamamagitan ng pinakapayak na yunit ng mga hene o gene (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang bawat wika ay napapasa at natutunang gamitin ng iba’t ibang tao. Ito ay may sinusundang balarila na binubuo ng datos ukol sa anyo at katangian ng wika. Sa pagbubuo ng balarila, ang isang lipunan ay pumipili at nagsasaayos ng kanyang mga makabuluhang katangian, tulad ng sa antas ng sintaksis.
Structure to function

Larawan mula sa https://www.zaffique.com/digestive-enzymes/
Sa Haynayan: Sa bawat antas at sistema ng haynayan, ang anyo ng bawat yunit ay siyang kaakibat sa paghuhubog ng maaaring tungkulin at kakayahan ng pinag-aaralan (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang bawat nasusulat na titik ay siyang sumisimbolo at nagdidikta ng kaakibat na tunog upang ang pagsasama-sama nito ay makabuo ng kahulugang nais iparating.
Interaction and interdependence with environment and other organisms

Larawan mula sa http://guidetoapbio.weebly.com/big-idea-4-system.html
Sa Haynayan: Ang bawat organismo ay nakikipag-ugnayan sa kanyang kapaligiran upang makipagpalitan at makagamit ng mga materyales tulad ng nutrina at enerhiya. Sila rin ay nakikinabang sa pag-uugnayan sa iba pang mga organismo tulad ng polinasyon ng bubuyog sa mga bulaklak (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang wika ay ginagamit bilang midyum ng komunikasyon upang makipag-ugnayan ang tao sa iba pang tao sa kanyang kapaligiran.
Regulation
Larawan mula sa https://sites.google.com/site/rosecransclassroom/homeostasis
Haynayan: Ang mga yunit na pinag-aaralan ay nagkakaroon ng homeostasis tuwing nababalanse ang kanyang mga katangian sa pamamagitin ng mga positibo at negatibong tugon na panloob at panlabas (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang wika ay arbitraryo sapagkat ang mga alituntunin ng tamang wikang gagamitin ay nakabatay sa pagbabalanse at pagkakasundo ng mga gumagamit nito.
Unity and Diversity
Larawan mula sa https://www.canal3.md/ro/reciful-de-corali-din-belize-retras-de-unesco-de-pe-lista-patrimoniului-in-pericol_70534.html
Sa Haynayan: May sari-saring mga organismo dulot ng ebolusyon, ngunit sila ay maaaring mapangkat sa mga magkakalapit ng katangian (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: May sari-sari na ring wika na nahuhubog bilang kilanlan ng iba’t ibang kultura, ngunit may mga wikang magkakalapit ng lunan, anyo, at pagsasalamin sa katangian ng kanyang kultura.
Evolution

Larawan mula sa https://steemkr.com/science/@waza/brainiac-2-what-will-humans-look-like-in-100-000-years-from-now
Sa Haynayan: Ang nabubuhay na mga organismo ay ang nagiging malakas at matibay sa paglipas ng mga panahon sa pamamagitan ng likas na pagpipili o natural selection (Mr. King, n.d.).
Sa Wika: Ang wika rin ay dumaraan sa “matira matibay” o survival of the fittest dahil sa ito ay dinamiko. Ang wikang buhay ay siyang nanghihiram at nakalilikha ng panibagong mga salita at kahulugan.
Energy and Metabolism
Larawan mula sa https://shingi.jst.go.jp/past_abst/abst/p/14/1406/m906.pdf
Sa Haynayan: Ang bawat sistema sa haynayan ay nangangailangan ng enerhiya upang makagawa ng mga kimikong reaksyon. Maaaring magpasa-pasa ng eneryhiya mula sa ibang organismo at sa kanyang kapiligiran na nagpapalit ng anyo upang mabuo ang akmang reaksyon (StudyLib, n.d.).
Sa Wika: Ang wika ay may kakanyahan. Ang iba’t ibang anyo nito mula sa mga tunog at salita ay may lakas upang maisulong ang isang mensahe at maipagalaw ang mga tao.
Mga Sanggunian
Mr. King. (n.d.). Ten unifying themes of biology. Retrieved from http://www.nhvweb.net/nhhs/science/wking/files/2012/08/Ten-Unifying-Themes-in-Biology.pdf
StudyLib. (n.d.). Eight unifying themes. Retrieved from https://studylib.net/doc/9916475/eight-unifying-themes
